Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (12 page)

Ang lan~git ay azul: nagpápagalaw n~g m~ga dáhon at n~g m~ga bulaclac n~g halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy rosa,--dahil dito'y nan~gagsisipan~ginig ang m~ga cabello--de--ángel--ang m~ga halamang nacabitin, ang m~ga tuyúng isdâ at ang m~ga lámparang galing sa China. Ang in~gay n~g sagwáng humahalò n~g malabong tubig n~g ílog, ang dagundong n~g pagdaan n~g m~ga coche at m~ga carretón sa tuláy n~g Binundóc ay maliwanag na dumárating hanggang sa canilá; n~guni't hindî ang m~ga ipinagbúbubulong n~g tía.

--Lalong magalíng--ang wicà nitó--diyá'y ang boong bayan ang siyáng bábantay sa inyó.

Nang magpasimulá'y walâ siláng pinagsalitaanan cung di pawang m~ga cahalin~gan--iyáng m~ga cahalin~gáng totoong nacacawan~gis niyáng m~ga cayaban~gan n~g m~ga nación sa Europa: masasarap at lásang pulót sa m~ga magcacanación, datapuwa't nacapagtátawa ó nacapagpapacunót sa kilay n~g m~ga taga ibang lupaín.

Ang babae, palibhasa'y capatíd ni Cain ay panibughuin, caya't dahil dito'y tumanong sa nan~gin~gibig sa canyá:

--¿Laguì bang isinaisip mo acó? ¿hindi mo ba acó linimot sa gayóng caraming m~ga paglalacbá'y mo? ¡Pagcaramiraming malalakíng m~ga ciudad na may pagcaramiraming magagandang m~ga babae!...

Ang lalaki namán, palibhasa'y isá pa ring capatíd ni Caín ay marunong umiwas sa m~ga tanóng at may caunting pagca sinun~galing, cayâ n~ga:

[Larawan:--Laguì bang isinaísip mo acó? ¿Hindî mo ba acó linimot?...--Imp de M. Fernandez, Paz 442 Sta.Cruz]

--¿Mangyayari bagáng catá'y limutin?--ang sagót na nan~gan~gaanino n~g boong ligaya sa m~ga maiitím na balíngtatao n~g dalaga;--¿mangyayari bagáng magculang acó sa panunumpâ, sa isáng panunumpang dakila? Natátandaan mo ba ang gabíng yaon, ang gabíng yaóng sumísigwa, na icáw, n~g makita mo acóng nag-íisang tumatan~gis sa siping n~g bangcáy n~g aking iná'y lumapit ca sa akin, ilinagáy mo ang iyong camáy sa aking balícat, ang camáy mong malaon nang ayaw mong ipahintulot na aking mátangnan, at iyong sinabi sa akin: "Nan~gulila ca sa iyong iná, acó'y hindî nagcainá cailán man.": at dumamay ca sa akin n~g pag-iyác. Iniirog mo ang aking iná at icáw ay pinacaibig niyáng tulad sa isáng anác. Sa dacong labás ay umúulan at cumíkidlat; n~guni't sa acalà co'y nacárinig acó n~g música, at nakita cong n~gumín~gitî ang maputláng mukhâ n~g bangcáy ... ¡oh, cung buháy sana ang aking m~ga magulang at mapanood nila icáw! Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy n~g aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá, catá'y paliligayahin, anó man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob n~g Lan~git, at sa pagca't hindî nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; n~gayó'y mulíng inuulit co sa iyó. ¿Mangyayari bagáng limutin co icáw? Laguing casamasama co ang pag-aalaala co sa iyo; iniligtás acó sa m~ga pan~ganib n~g paglalacad maguíng caaliwan co sa pag-iisá n~g aking cálolowa sa m~ga ibáng lupain; ¡ang pag-aalaala sa iyo ang pumawì n~g bísà n~g "loto" n~g Europa na cumacatcat n~g m~ga pag-asa at n~g casaliwaang palad n~g kinaguisnang lúpà sa caisipán n~g maraming m~ga cababayan! Sa m~ga panaguimpan co'y nakikita co icáw na nacatindig sa tabíng dagat n~g Maynilà, nacatanaw sa malayong abót n~g panin~gíng nababalot sa malamlam na liwanag n~g maagang pagbubucang liwayway; aking náririnig ang isáng aaying-aying at malungcot na awit na sa aki'y pumupucaw n~g nagugulaylay n~g m~ga damdamin, at tinatawag co sa alaala n~g aking púsò ang m~ga unang taón n~g aking camusmusán, ang ating m~ga catuwâan, ang ating m~ga paglalarô, ang boong nacaraang maligayang panahóng binigyán mong casayahan, samantalang doroon ca sa bayan. Sa aking sapantaha'y icáw ang "hada"[151], ang espíritu, ang caayaayang kinácatawan n~g aking Bayang kináguisnan, magandá, mahinhín, masintahin, lubós calinisan, anác n~g Filipinas, niyáng cagandagandahang lupang bucód sa m~ga dakilang cagalin~gan n~g Inang Españang[152] tagláy rin niyá'y may maririkít pang m~ga hiyas n~g isáng bayang bátà, tulad sa pagcacapisan sa iyong cataohan n~g lahát n~g cagandahan at carikitang nacapagpapaningning sa dalawang láhì; cayâ n~ga't nabubuò lamang sa isá ang pagsinta co sa iyo't ang pagsinta co sa aking tinubuang lúpà ... ¿Maaari ba catáng limutin? Macáilang ang boong ísip co'y aking náririnig ang m~ga tunóg n~g iyóng piano at ang m~ga tínig n~g iyong voces, at cailán mang tinatawag co ang iyóng pan~galan n~g acó'y na sa Alemania, sa dacong hápon, pagca naglalacad acó sa m~ga caparan~gang napúpuspos n~g m~ga talinghagang likhâ n~g m~ga poeta roon at ang m~ga cahimahimalang salitsaling sabi n~g m~ga táong nan~gáunang nabuhay, nakikinikinita co icáw sa úlap na sumisilang at napaiimbulóg sa dúyo n~g capatagan, wárì náririn~gig co ang iyong voces sa pagaspás n~g m~ga dahon, at pagcâ umuuwî na ang m~ga tagabukid na galing sa caniláng sinasacang lúpà at caniláng ipinarírin~gig buhat sa maláyò ang caniláng caraniwang m~ga awit, sa aking acala'y pawang nakikisaliw silá sa m~ga voces n~g caibuturan n~g aking dibdib, na nag-aalay na lahat sa iyo n~g awit at siyáng nagbíbigay catotohanan sa aking m~ga nais at m~ga panaguimpán. Cung minsa'y náliligaw acó sa m~ga landás n~g m~ga cabunducan, at ang gabíng doo'y untîuntì ang pagdatíng ay naráratnan acóng naglácad pa't hinahanap co ang aking daan sa guitnâ n~g m~ga "pino," n~g m~ga "haya"[153] at ang m~ga "encina"[154]; cung nagcácagayón, cung nacalúlusot ang iláng m~ga sínag n~g buwán sa m~ga puáng n~g masinsíng m~ga san~gá, wari'y nakikinikinita co icáw sa sinapupunan n~g gubat, tulad sa isáng nagpapagalagalang aninong gágalawgaláw at nagpapacabicabilâ sa liwanag at sa m~ga carilimán n~g malagóng caparan~gan, at sacâ ipinarírinig n~g "ruiseñor"[155] ang canyáng ibá't ibáng cawiliwiling huni, inaacálà cong dahil sa icáw ay nakikita't icáw ang siyáng sa canyá'y nacaaakit. ¡Cung inalaala co icáw! ¡Hindî lamang pinasásaya sa aking m~ga matá n~g lagabláb n~g sa iyó'y pagsinta ang úlap at pinapamúmula ang hielo[156]! Sa Italia, ang magandáng lan~git n~g Italia, sa canyáng cadalisaya't cataasa'y nagsasálitâ sa akin n~g iyong m~ga matá; ang canyáng masayáng pánoorin ay nagsasaysay sa akin n~g iyong n~gitî, wan~gis n~g m~ga halamanan sa Andalucíang nalalaganapan n~g han~ging may kipkíp na ban~gó, puspós n~g m~ga pangdilidiling casilan~ganan, saganà sa hiwagà at sa calugodlugód na m~ga tanghalin, pawang nan~gagsasalita sa akin n~g sa iyó'y pagsintá! Sa m~ga gabíng may bowán, yaóng bowang wari'y nagtútucà, sa aking sinagwánsagwáng nacalulan acó sa isáng sasakyáng malíit sa ilog Rhin, itinátanong co sa aking sarili cung dî cayâ marayà acó n~g aking guníguní upang makita co icáw sa, guitnâ n~g m~ga álamong[157] na sa pampang, sa bató n~g Lorelay ó sa guitnâ n~g m~ga alon at icáw ay umaawit sa catahimican n~g gabí, tulad sa dalagang hadang mápang-aliw, upang bigyáng casayahan ang pag-iisá at ang calungcutan n~g m~ga guibáng castillong iyón.

--Hindî acó naglacbáy-bayang gaya mo, walâ acóng nakikita cung dî ang iyóng bayan, ang Maynila't Antipolo--ang sagót ni María Clarang n~gumín~gitî, palibhasa'y naniniwalà sa lahát n~g sinasabi ni Ibarra,--n~guni't mulâ n~g sabihin co sa iyóng ¡paalam! at pumasoc acó sa beaterio, láguì nang naaalaala catá at hindî co icáw nilimot, bagá man ipinag-utos sa akin n~g confesor at pinarusahan acó n~g maraming m~ga pahírap. Nagúgunitâ, co ang ating m~ga paglalarô, ang ating m~ga pag-aaway n~g tayo'y m~ga musmós pa. Hinihirang mo ang lalong magagandáng sigay at n~g tayo'y macapaglarô n~g siclót, humahanap ca sa ílog n~g lalong mabibilog at makikinis na batóng maliliit na may iba't ibang cúlay at n~g macapaglarô tayo n~g sintác; icáw ay nápacawaláng tuto, láguì cang natatalo, at ang parusa'y binábantilan catá n~g pálad n~g aking camáy, n~guni't dî co inilálacas, sa pagca't naaawà acó sa iyo. Napacamagdarayà, icáw sa laróng chongca't dináraig mo pa ang pagcamagdarayà co, at caraniwang agawán ang naguiguing catapusán. ¿Natátandaan mo bâ n~g icáw ay magalit n~g totohanan? Niyó'y pinapagpighatî mo acó; n~guni't n~g matapos, pagcâ naaalaala co iyón sa beaterio, acó'y n~gumín~gtì dinaramdam cong icáw ay walâ, at n~g macapag-away ulî catá ... at n~g pagdaca'y mágawà natin ang pagcacásundô. Niyó'y m~ga musmós pa tayo, naparoon tayong naligong casama ang iyóng iná sa batis na iyóng nalililiman n~g m~ga cawayanan. Sa m~ga pampáng ay may m~ga sumisibol na m~ga bulaclác at m~ga halamang sinasabi mo sa akin sa wicang latín at wicang castilà ang canícanilang m~ga cacaibáng pan~galan, sa pagca't niyó'y nag-aaral ca na sa Ateneo. Hindî catá pinápansin; naglílibang acó sa panghahagad n~g m~ga paroparó at n~g m~ga tutubí, na sa canyáng catawáng maliit na tulad sa alfiler ay tagláy ang lahát n~g m~ga culay n~g bahagharì at ang lahát n~g m~ga kintáb n~g gáring, m~ga tutubíng gumágalaw at nan~gagháhagaran sa magcabicabilang m~ga bulaclác; cung minsa'y ibig cong masubucan at hulihin n~g camáy ang maliliit na isdáng matuling nan~gagtatacbuhan sa m~ga lumot at sa m~ga batuhán sa pampáng. Caguinsaguinsa'y nawalâ ca, at n~g icáw ay bumalíc, may dalá cang coronang m~ga dahon at m~ga bulaclác n~g dalandáng ipinutong mo sa aking úlo, at tinatawag mo acóng "Cloe"[158], at gumawâ ca namán n~g coronang damóng gumagapang. N~guni't kinuha n~g iyóng nanay ang aking corona, pinucpóc n~g isáng bató at sacâ inihalò sa gugò na ipinaglilinis n~g ating úlo; tumulò ang m~ga luhà sa iyóng m~ga matá, at sinabi mong hindî nacaaalam ang iyóng iná n~g "mitología"[159].--¡"Halíng!--ang isinagót n~g nanay mo--makikita mo't mababan~gó pagcatapos ang inyóng m~ga buhóc."--Nagtawá acó, naghinanakít icáw, at ayaw mo na acóng causapin, at sa boong maghapo'y nagpakita ca n~g poot, na siyang ikìnaibig co namang umiyác.

N~g bumalíc tayo sa bayan, at sa pagca't mainit na totoo ang araw, nuha acó n~g m~ga dahon n~g sambóng nasumísibol sa m~ga tabíng daan, ibinigáy co sa iyó't n~g ilagáy mo sa loob n~g iyóng sombrero, at n~g di sumakít ang iyóng ulo. N~gumitî icáw n~g magcágayo'y tinangnán co ang camáy mo at nagcásundô na catá.

N~gumitî n~g boong ligaya si Ibarra, binucsán ang canyang cartera, kinuha sa loob niyón ang isáng papel at sa loob nito'y may nababalot na m~ga dahong nan~gin~gitim, tuyô at mababan~gó.

--¡Ang iyóng m~ga dahon n~g sambóng!--ang isinagót ni Ibarra sa titig ni María Clara,--itó lamang ang naibigáy mo sa akin.

Dalidalí namáng kinuha ni María Clara sa canyáng dibdíb ang isáng bolsitang rasong maputî.

--¡Ps!--ani María Clara at tinampál ang camáy ni Ibarra;--hindî ipinahihintulot ang paghípò: ito'y isáng sulat n~g pagpapaalam.

--¿Iyán bâ ang isinulat co sa iyo bago acó pumanaw?

--¿At sumulat pó bâ cayó sa akin n~g ibá pa, aking guinoo?

--¿At anó bâ ang sinasabi co sa iyo n~g panahóng iyón?

--¡Maraming cabulastugan! ¡m~ga dahilan n~g masamáng mán~gun~gutang--ang isinagót ni María Clarang n~gumín~gitì, na ipinakikilalang totoong ikinasásaya n~g canyáng loob ang gayóng m~ga cabulaanan.--¡Howág cang malicot! ¡babasahin co sa iyo ang sulat na ito! ¡n~guni't ilílin~gid co ang iyóng m~ga pagpuri at n~g dî ca magdalità!

At itinaás ang papel sa tapát n~g canyang m~ga matá at n~g huwag makita n~g binatà ang canyáng mukhâ, at nagpasimulâ:

--"Aking ..." ¡hindî co babasahin sa iyo ang sumúsunod, sa pagca't isáng cabulastugán!--at pinaraanan n~g m~ga matá ang iláng talatà.--"Ibig n~g aking amá, ang acó'y yumao, bagá man ipinamamanhic cong huwag"--"Icáw ay lalaki"--ang sabi sa akin, dapat mong isipin ang panahóng dárating at ang iyong m~ga lacás. Dapat mong pag-aralan ang dunong sa pamumuhay, ang dî maibibígay sa iyo n~g iyong kinamulatang lúpà, at n~g balang araw ay makapaglingcod ca sa canyá. Cung mananatili ca sa aking tabí, sa aking lilim, sa impapawíd na ito n~g m~ga hínalâan, hindî ca matututong tumanáw sa malayò, at sa araw na cata'y maiwan sa ibabaw n~g lupa'y maitutulad ca sa halamang sinasalitâ n~g ating poetang si Baltazar;

"Para n~g halamang lumakí sa tubig, daho'y nalálanta muntíng dî madilig, ikinalolooy ang sandalíng init...."

--¡Nakita mo na! binatà ca na halos ay tumatan~gis ca pa!--"Nacapagpasakit sa aking loob ang ganitóng pag-wiwicà, caya't ipinahayag co sa canyáng icáw ay aking sinísinta. Hindî umimíc ang aking amá, nagliníng-lining, ilinagáy sa aking balicat, ang canyáng camáy at nagsalitâ sa aking nan~gín~ginig ang voces:--Ang ísip mo ba'y icáw lamang ang marunong umibig at hindî ca iniibig n~g iyóng amá at hindî dináramdam ang sa iyó'y paghiwaláy?" Hindî pa nalalaong nan~gulila tayo sa iyóng iná; tumutun~go acó sa catandàan, diyán sa gulang na ang hinahanap ay ang tulong at pagbibigay alíw n~g cabatâan, at gayón ma'y tinatanggap co ang pag-iisá at dî co talós cung catá'y makikita pa ulì. N~guni't dapat cong isipin ang m~ga ibáng bágay na lalong malalakí.... Bumúbucas sa iyo ang panahóng sasapit, samantalang sumásara sa akin; sumisilang sa iyo ang m~ga pagsinta, ang m~ga pag-ibig co'y nan~gamámatay; cumúculô ang apóy sa iyóng m~ga ugát sa aki'y nagsisimulá, ang calamigán, at gayón ma'y icáw ay umíiyac at hindî ca marunong maghandóg n~g n~gayón, at n~g sa búcas ay makinabang ca at pakinaban~gan icáw n~g iyóng kinaguisnang lúpà."--Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g aking amá, naluhód acó sa canyáng paanan, siyá'y aking niyacap at sinabi co sa canyáng acó'y nahahandáng yumao".

Napatiguil ang pagbasa, dahil sa pagcaligalig ni Ibarra: namumutlâ ang binatà at naglálacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dúlo n~g azotea.

--¿Anó ang iyóng damdám? ¿anó ba ang nangyayari sa iyo?--ang tanóng ni María Clara cay Ibarra.

--¡Dahil sa iyó'y nalimutan co ang aking m~ga catungculan; dapat acóng pumaroon n~gayón din sa aking bayan! Búcas ang fiesta n~g m~ga namatáy.

Hindî umimíc si María Clara, itinitig niyáng iláng sandalî ang canyáng malalaki't mapupun~gay na m~ga matá cay Ibarra, cumuha n~g ilang bulaclác at sinabi sa canyáng nababagbag ang loob:

--Lumacad ca, hindî na catá pinipiguil; magkikita ulî tayo sa loob n~g iláng áraw! ¡Ilagáy mo itóng bulaclac sa ibabaw n~g libin~gan n~g iyong m~ga magulang!

Nang macarâan ang iláng minuto, ang binata'y nananaog na sa hagdanang casabay si Capitang Tiago at si tía Isabel, samantalang nagcuculong sa pánalan~ginan si María Clara.

--¡Ipakisabi n~ga pô ninyó cay Andéng na canyáng ihandâ ang bahay at man~gagsisirating si María at si Isabel!--¡Dumatíng nawâ cayóng maluwalhati!--ani Capitang Tiago, samantalang sumásacay si Ibarra sa coche, na yumaong ang tun~go'y sa plaza n~g San Gabriel.

At sinabi pagcatapos ni Capitang Tiago cay María Clara na umíiyac sa tabí n~g larawan n~g isáng Vírgen:

--Halá, magsindí ca n~g dalawáng candilang man~gahatì, ang isáy sa Señor San Rafael, pintacasi n~g m~ga naglálacbay. Isindi mo ang lámpara n~g Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje. ¡Lalong magalíng ang magcagugol n~g isáng salapî sa pagkít at anim na cuarta sa lan~gís, cay sa magbayad pagcatapos n~g isáng mahalagáng tubós.

Other books

Godspeed by Charles Sheffield
Lorelei's Secret by Carolyn Parkhurst
So Close by Emma McLaughlin
Odessa Again by Dana Reinhardt
Legado by Christopher Paolini
Girl Wonder to the Rescue by Malorie Blackman
Prey of Desire by J. C. Gatlin
Tales for a Stormy Night by Dorothy Salisbury Davis