Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (43 page)

Ito'y iba pang m~ga bagay ang inilalagay n~g hindi mapaniwalaíng filósofo sa bibíg n~g m~ga may bulóc na pusong m~ga tao sa panahóng sasapit. Marahil mag-camali ang matandang Tasio, bagay na hindî n~ga totoong malayò n~guni't pag-balican natin ang ating sinasaysay. Inihahanda n~gayón ang pagcaing masaráp sa m~ga kioskong kinakitaan natin camacalawa sa maestro at sa m~ga alagád. Gayón, ma'y sa mesang handâ sa m~ga bata'y wala isá man lamang botella n~g alac, n~guni't ang cahalili nama'y ang lalong sumasaganang ang m~ga bun~ga n~g cahoy. Sa lilim n~g bálag na siyang naghuhugpóng sa dalawáng kiosko'y naroroon ang m~ga upuan n~g m~ga músico, at sacá isáng mesang nalalaganapan n~g m~ga matamís, n~g m~ga "cosfitura", n~g m~ga frascó n~g tubig na nacocoronahan n~g m~ga dahon at m~ga bulaclac na inihahandâ sa mauhaw na m~ga taong dadalo róon.

Nagpatayô ang maestro n~g escuela n~g m~ga palosebo, n~g m~ga lucsúhan at nagpabitin n~g m~ga cawali't m~ga palayoc na iniuucol sa catuwatuwang m~ga larô. Nan~gaglúluponlúpon sa lilim n~g m~ga cáhoy ó sa ilalim n~g balag ang caramihang taong masasayáng m~ga cúlay ang damit na bihís, at sila'y nan~gagsisitacas sa maningning na áraw. Nan~gagsisipanhíc ang m~ga batà sa m~ga san~gá n~g m~ga cahoy ó sa ibábaw n~g m~ga bató, sa pagcaibig niláng makitang magaling ang "ceremonia", at sa gayó'y narurugtun~gan nilá ang cababaan n~g canilang taas; minámasdan nilá n~g boong pananaghilì ang m~ga batang pumápasoc sa escuelang malílinis at magalíng ang pananamít na nan~garoróon sa lugar na sa canila'y laan. Malakíng di ano lamang ang galác n~g m~ga magúgulang; baga man sila'y abáng m~ga tagabukid, sa pagca't mapapanoód niláng cumácain ang caniláng m~ga anac sa mesang natatacpan n~g maputing mantel, na halos mawawan~gis sa Cura at sa Alcalde. Sucat na ang pag-isipin ang m~ga bagay na iyón upang huwag magdamdam gutom, at ang gayóng pangyayari'y pagsasabisabihanan n~g salinsaling maguiguing tao sa ibábaw n~g lupà.

Hindî nalao't narinig ang malayong m~ga tinig n~g músical ang nan~gun~guna'y isáng pulutóng n~g sarisaring tao, na ang bumúbuo'y taglay ang lahát n~g m~ga gúlang at taglay n~g pananamít ang lahát n~g m~ga cúlay. Nabalisa ang lalaking naninilaw at siniyasat ang boong "aparato" niyá n~g isáng sulyap. Sinusundán ang canyáng matá at hinihiwatigan ang lahát niyáng m~ga kilos n~g isáng mapag-usisang tagabúkid: yao'y si Elias na dumaló rin doo't n~g panoorin ang "ceremonia"; halos hindî siyá makilala dahil sa canyáng salacót at sa anyô n~g canyáng pananamit. Pinagpilitan niyáng siya'y mapalagay sa lalong magalíng na lugar, halos sa siping n~g torno, sa pampang n~g húcay.

Casama n~g músicang dumating ang Alcalde, ang m~ga namúmunong guinoo sa bayan, ang m~ga fraile at ang m~ga castilang may m~ga catungculan, liban na lamang cay Parì Dámaso. Causap ni Ibarra ang Alcalde, na canyáng totoong naguing caibigan, mulà n~g canyang handugan siya n~g ilang maaayos na pagpuri, dahil sa canyang m~ga condecoración at m~ga banda: ang malaking hilig sa pagcamahal na tao ang siyang panghina n~g loob n~g marilag na Alcalde. Casama si capitang Tiago, ang alférez at ilang mayayaman, n~g maningning na cawan n~g m~ga dalagang may dalang payóng na sutlâ. Sumúsunod si Párì Salvi na walang kibô at anyóng nag-iisipisip, na gaya n~g dating canyang ugali.

--Umasa pô cayó sa aking túlong cailán ma't ucol sa isáng mabuting gawâ,--ang sabi n~g Alcalde cay Ibarra;--ibibigay co sa inyó ang lahát ninyóng cacailan~ganin, ó pabibigyan co cayâ cayó sa ibá.

Samantalang silá'y napapalapít, nararamdaman n~g binatang tumatahip ang canyáng púsò. Hindî niyá sinasadya'y tinun~go n~g canyáng m~ga matá ang cacaibáng m~ga andamio na doo'y nacatayô; nakita niyáng sa canyá'y yumuyucod n~g boong galang ang lalaking naninilaw at siya'y tinitigang sandalî. Pinagtakhan niyá ang pagcasumpóng doon cay Elías, na sa pamamag-itan n~g isáng macahulugang kiráp ay ipinaunawà sa canyáng alalahanin ang sa canyá'y sinabi sa simbahan.

Isinuot n~g cura ang m~ga pananamít n~g pagcacaserdote at pinasimulaan ang "ceremonia": tan~gan n~g sacristan mayor na bulág ang isáng matá, ang libro, at tan~gan naman ang isáng monagulilo ang pangwisic at lalagyan n~g tubig na bendita. Na sa paliguid ang m~ga ibá, nacatayò at pawang nacapugay, napacalaki ang caniláng catahimican, na anó pa't baga man ang pagbasa'y mahinà napagwawaring nan~gin~giníg ang voces ni Pàri Salvi.

Samantala'y inilagáy sa cajang cristal ang lahat n~g bagay na doo'y ilalaman, gaya bagá n~g m~ga sulat camay, m~ga pamahayagan, m~ga medalla, m~ga salapi at ibá pa, at ang lahat n~g iyo'y isinuot sa parang hihip na tinggâ at inihinang na magalíng ang takip.

--Guinoong Ibarra, ¿ibig pô ba ninyóng ipasoc ang caja sa dapat calagyan? ¡Hinihintay n~g Cura!--ang inianas n~g Alcalde sa tain~ga n~g binatà.

--Malaking totoo pô ang aking pagcaibig,--n~g isinagót ni Ibarra,--n~gunit cung magcagayó'y cacamcamin co ang nacauunlac na tungculing iyan sa guinoong Escribano; ¡ang guinoong Escribano ang siyang marapat magpatotoo n~g guinagawang itó!

Kinuha n~g Escribano ang cajang iyón, nanaog sa hagdanang nalalatagan n~g alfombra na patun~go sa húcay, at inilagay n~g cadakilaang marapat sa gúang n~g bató. N~g magcagayo'y dinampót n~g cura ang "hisopo" at winiligan ang bató n~g tubig sa bendita.

Dumatíng ang sandalíng dapat na maglagáy ang bawa't isá n~g isang cucharang "lechada" sa ibábaw n~g sillar na nacalagáy sa húcay at n~g lumápat na magalíng at cumapit ang isáng manggagaling sa itaas.

Inihandóg ni Ibarra sa Alcalde ang isáng cucharang albañil, na sa malapad na dahong pilac niyó'y nacaukit ang bilang n~g araw na iyón: n~guni't nagtalumpatì muna n~g wicang castilà ang mahal na Alcalde.

"¡M~ga taga San Diego!"--anya sa salitáng cagalanggalang:--May capurihán camíng siyang man~gulo sa isáng "ceremonia", na ang cahalagaha'y matatantô na ninyó cahi't hindî co sabihin. Itinatatag ang isáng escuela; ang escuela'y siyang patuunan n~g pamamayan, ¡ang escuela'y siyáng aclat na kinatatalaan n~g icagagaling n~g m~ga bayan sa panahóng sasapit! Ipakita ninyo sa amin ang escuela n~g isáng bayan at sasabihin namin sa inyó cung anó ang bayang iyan."

"¡M~ga taga San Diego! ¡Pasalamatan ninyó ang Dios na sa inyó'y nagbigay n~g m~ga banal na sacerdote, at ang Pamahalaan n~g Inang Bayang naglalaganap na di napapagal n~g "civilisación" sa masaganang m~ga pulóng itó, na inaampón n~g canyáng maluwalhating balabal! ¡Purihin ninyó ang Dios na nagdalá sa inyó rito nitóng m~ga mapagpacumbabáng m~ga sacerdote, na sa inyó'y nan~gágbibigay liwanag at nagtuturò sa inyó n~g wicà n~g Dios! ¡Purihin ninyó ang Pamahalaang gumawâ, gumagawâ at gagawâ n~g m~ga pagpapacahirap sa icagagalíng ninyó at sa icagagaling n~g inyóng m~ga anác!"

"At n~gayóng benebendita ang unang bató nitóng lubháng macahulugang bahay, camí, Alcalde Mayor nitóng lalawigan, sa pan~galan n~g dakilang Harì, na in~gatan nawá n~g Dios, n~g Harì sa m~ga España, sa pan~galan n~g maluningning na Pamahalaang castílà at sa ilalim n~g pagtatangkilik n~g canyáng waláng bahid at cailán ma'y mapagdiwang na bandera, binibigyan namin n~g dakilang cahulugan ang guinawang itó at sinimulaan namin ang paggawâ n~g escuelahang itó."

"M~ga taga San Diego, ¡mabuhay ang Harì! ¡Mabuhay ang España! ¡man~gabuhay ang m~ga fraile! ¡Mabuhay ang Religión católica!"

--¡Mabuhay! ¡mabuhay!--ang isinagót n~g maraming voces,--¡mabuhay ang guinoong Alcalde!

Itó'y nanaog, pagcatapos, n~g boong cahinhinang madakilà, casabay n~g m~ga tinig n~g músicang nagpasimulâ n~g pagtugtóg; naglagáy n~g iláng cucharang lechada sa ibabaw n~g bató, at catulad din n~g madakilang cahínhinang gaya n~g siya'y pumanhíc.

Nan~gagpacpacan ang m~ga nan~gan~gatungculan sa pamahalaan.

--Iniabót ni Ibarra ang isá pang cucharang pílac sa Cura, na n~g macatitig na sumandalî sa canyá'y marahang nanaog. N~g na sa calahatî na n~g hagdana'y tumin~galâ upang tingnan ang nabibiting batóng nacatali sa matitibay na m~ga lúbid, datapuwa't ang pagtin~ging yao'y sandalìng sandalî lámang at nagpatuloy n~g pananaog. Gumawâ rìn siyá n~g gaya n~g guinawâ n~g Alcalde, n~guni't n~gayo'y lalòng marami ang nan~gagsipacpác: nakisama sa pagpacpác ang m~ga fraile at si capitang Tiago.

Tila mandin humahanap si Párì Salví n~g mapagbigyán n~g cuchara; tiningnan niyá si María Clara at anakí'y nag-aalinlan~gan; n~guní't nagbago n~g panucalà at ang guinawa'y sa escribano niyá ibinigáy. Ito'y sa pagbibigáy loob, lumapít cay María Clara, datapuwa't ito'y tumangguing n~gumin~giti. Nagsúnodsunod nanaog ang m~ga fraile, ang m~ga empleyado at ang alférez. Hindî nalimutan si capitang Tiago.

Si Ibarra na lamang ang culang at ipag-uutos na sana sa nanínilaw na taong pababain na ang bató, n~g maalaala n~g cura ang binatà, na pinagsabihan n~g anyóng nagbibirô at taglay ang paímbabáw na sa canyá'y pagpapalagay na catotong tunay:

--¿Hindî pô ba isásaloc ninyó ang inyó namang cuchara, guinoong Ibarra?

--Cung magcagayo'y aking gagagarín si Juan Palomo ¡acó ang nagluluto't acó rin ang cumacain!--ang isinagót nitó n~g gayón din anyô n~g pananalitâ.

--¡Lacad na cayó!--anang Alcalde sa canyá, saca siyá marahang itinulac;--cung hindî, mag-uutos acong huwag pababaín ang bató at matitirá tayo rito hanggang sa caarawán n~g paghuhucóm.

Napilitan si Ibarrang tumalimà dahil sa ganitóng cakilakilabot na bálà. Hinalinhan niya ang maliit na cucharang pílac n~g isáng malakíng cucharang bacal, bagay na nagpan~giti sa iláng m~ga tao, at mapayapang lumacad. Tinitingnan n~g naninilaw na tao ang ban~ging na sa tabi n~g canyáng m~ga paa.

Pagcatapos na matingnan n~g mabilis ni Ibarra ang nacabiting sillar sa tabi n~g canyáng úlo, si Elías at ang lalaking naninilaw, nagsalitâ siyá cay ñor Juan, na ang canyang voces ay nan~gin~ginig n~g cauntî:

--¡Ibigáy pô ninyó sa akin iyang timbâ at ihanap ninyó acó sa itaas n~g ibáng cuchara!

Napag-isá ang binatà. Hindî na siya minamasdan ni Elías; ang m~ga matá nito'y nacapacò sa lalaking naninilaw, na nacadun~gaw sa húcay at sinusundan ang m~ga kilos n~g binatà.

Náririnig ang in~gay na guinagawâ n~g cuchara sa paghalò n~g pinagsamang buhan~gin at apog na nakikisaliw sa hugong n~g mahinang pagsasalita n~g m~ga cawaní n~g gobierno na pinupuri ang Alcalde dahil sa canyang talumpatì.

Carin~gatdin~gat ay bumugsô ang isang lagapac; umilandáng ang poleang (calô) nacatalì sa púnò n~g cábris, at saca sumunód ang terno na humahampás sa aparatong tulad sa isáng panghataw: nan~gagsigalaw ang m~ga malalakíng cáhoy, lumipád ang m~ga gapos at sa isáng kisáp matá'y nálugsong lahát, na casabay ang kakilakilabot na ugong Sumilakbó ang isáng alapaap na alikabók; pinuspos ang alang-alang n~g isáng sigaw sa panghihilacbót n~g libolibong voces. Tumacas at nan~gagsitacbó halos ang lahát, babahagyâ na ang nan~gagmadalíng lumúsong sa húcay. Si María Clara at si Párì Salví ang nan~gagsipanatili lamang sa caniláng kinálalagyan, sa pagca't hindî silá man~gacagaláw, nan~gamumulâ at hindî man~gapagsalitâ.

[Larawan:--¿Hindî pô ba maglalagay namán cayó n~g inyong "paletada" guinoong Ibarra?--anang cura.]

Nang mapawi-pawi na ang sumilacbóng alicabóc, nakita niláng nacatayo si Ibarra sa guitna n~g m~ga cahabaan, m~ga cawayan, malalaking m~ga lúbid, sa pag-itan n~g torno at n~g malaking bató, na sa pagbabâ n~g gayóng cabilís, ang lahát ay ipinagpag at pinisà. Tan~gan pa sa camáy n~g binata ang cuchara at canyáng minámasdan n~g m~ga matáng gulát ang bangcáy n~g isáng taong nacatimbuang sa canyáng paanán, na halos nalilibing sa guitnâ n~g m~ga cahabaan.

--¿Hindi pô ba cayó namatay? ¿Buháy pa ba cayó? ¡Alang-alang sa Dios, magsalita pô cayo!--ang sabi n~g ilang m~ga empleadong punong-puno n~g tacot at pagmamalasakit.

--¡Himala! ¡himala!--ang isinisigáw n~g ilán.

--¡Hali cayó at inyóng alisin sa pagca dan~gan ang bangcay n~g sawíng palad na itó!--ani Ibarrang anaki'y náguising sa isáng pagcacatulog.

N~g marinig ang canyáng voces, naramdaman ni María Clarang pínapanawan siyá n~g lacás, hanggáng siyá'y nátimbuang sa m~ga camáy n~g canyáng m~ga catotong babae.

Malakíng caguluhán ang naghaharì: sabay-sabay na nan~gagsasalitâ, nan~gagcumpáscumpás ang m~ga camáy, nan~gagtatacbuhan sa magcabicabilà, nan~gaháhambal na lahát.

--¿Sino ba ang namatay? ¿Buháy pa ba?--ang m~ga tanóng n~g alferez.

Caniláng nakilalang ang lalaking naninilaw na nacatayô sa tabi n~g torno ang siyáng bangcay.

--Pag-usiguin sa haráp n~g m~ga tribunal n~g Justicia ang "maestro de obras" (ang namamatnugot sa gawâ)!--ang siyang unang nasabi n~g Alcalde.

Caniláng siniyasat ang calagayan n~g bangcáy, tinutóp nilá ang dibdib, datapuwa't hindi na tumitibóc ang púsò. Inabot siyá n~g hampás sa úlo at nilalábasán n~g dugô ang dalawáng bútas n~g ilóng, ang bibíg at ang m~ga tain~ga. Caniláng nakita sa canyáng liig ang m~ga bacás na cacaibá: apat na malalalim na lubô sa isáng dáco at isá sa cabiláng dáco, bagá man itó'y may calakhán: sino mang macakita niyó'y wiwicaing sinacál siyá n~g sipit na bácal.

Binabati n~g boong galác n~g m~ga sacerdote ang binata at pinipisil nilá ang canyáng m~ga camáy. Ganitó ang sabing nagcacang-iiyac n~g franciscanong may mapagpacumbabang anyô na siyang umeespiritu santo cay Pári Dámaso.

--¡Banal ang Dios, magaling ang Dios!

--¡Pagca nadidilidili cong bahagyâ lamang ang panahóng pag-itan mulâ n~g acó'y mápalagay sa lugar na iyán--ang sabi n~g isá sa m~ga empleado cay Ibarra,--¡nacú! ¡cung acó ang naguing cahulihulihan sa lahát, Jesús!

--¡Naninindig ang aking m~ga buhóc!--anang isáng úpawin at bahagyâ na ang buhóc.

--¡At mabuti't sa inyó nangyari ang bagay na iyan at hindi sa akin!--ang ibinubulóng n~g isáng matandáng lalaking nan~gin~ginig pa.

--¡Don Pascual!--ang biglang sinabing malacás n~g iláng m~ga castílà.

--M~ga guinoo, gayón ang sabi co, sa pagca't hindî namatáy ang guinoong itó; cung sa aki'y hindî man acó napisâ, mamamatay rin acó pagcatapos, madilidili co lamang ang bagay na iyán.

Datapuwa't malayò na si Ibarra, at canyang pinag-uusisa ang calagayan ni María Clara.

--¡Hindî dapat maguing cadahilanan ang bagay na itó upang hindî mátuloy ang fiesta, guinoong Ibarra!--anang Alcalde;--purihin natin ang Dios! ¡Hindi sacerdote at hindî man lamang castilà ang namatay! ¡Kinacailan~gan nating ipagdiwang ang pagcaligtas pô ninyó! ¡Anó cayá ang mangyayari sa inyó cung nadag-anan cayó n~g bató!

--¡Para manding nakikinikinita na, nakikinikinita na!--ang isinisigáw n~g escribano;--¡sinasabi co na! hindî masiglá ang paglusong sa húcay ni guinoong Ibarra, ¡Nakikita co na!

Other books

Gazelle by Bello, Gloria
Loving Jay by Renae Kaye
Welcome to Newtonberg by David Emprimo
One Dead Lawyer by Tony Lindsay
Shooting Stars 03 Rose by V. C. Andrews
Plan Bee by Hannah Reed
Double Clutch by Liz Reinhardt